Q. Paano kumuha ng box? A. Tumawag o magFill-up ng Online Form dito. Ibigay ang kumpletong Pangalan, Address, Postal code, Tel./Mobile number, size ng box, ilang box ang order at anong oras ipadiDeliver
Q. May babayaran ba sa pag-Order ng box? A. Deposito lamang po na 2,000yen per box. (Sa SAGAWA na magdiDeliver ng box nyo iaabot ang deposito). Ibabawas po ito sa kabuuang halaga ng kahon oras na ito ay inyong ipadala. (Hal. sa 1 box na ang halaga ng pagpapadala sa Pilipinas ay 9,000yen ibabawas po yung 2,000yen.)
Q. Saan magbabayad ng kabuuang halaga ng ipadadalang box? A. Sa pinakamalapit na POST OFFICE po sa inyong lugar. Ang FURIKOMI Form na gagamitin sa pagbabayad ay kasama ng Dokumentong nakaDikit sa inOrder nyong box. Hindi kami tumatanggap ng Credit card payment. CLICK HERE para sa detalye.
Q. Ilang araw bago makarating ang box ko sa Pinas? A.Ang pagbilang ay mula sa pag-alis ng barko mula Japan (Possible days of delivery count starts on the date of departure).
14 to 18 days kung sa MANILA 16 to 20 days sa LUZON A 18 to 22 days sa LUZON B 20 to 26 days sa LUZON C 3 to 4 weeks sa VISAYAS 4 weeks sa MINDANAO.
Probable cause of delay: Duration of delivery schedule could be changed due to TYPHOON, during PEAK SEASON and HOLIDAYS. CLICK HERE para sa detalye.
Q. Ano ang mga bagay na hindi pwedeng ipadala? A.Motorsiklo at parts nito, Parts ng sasakyan, makina at generator, Mga sariwang pagkain at bigas, Klorox, mga kemikal na gawa sa asido, Mga pekeng DVD, CD at bala ng games. Alahas, Pera, Baril, espada at iba pang nakamamatay na bagay, Mga bagay na maaaring sumabog, makasunog, gas spray, Mga ipinagbabawal na gamot at lahat ng uri ng pornograpiya.
Q. Pwede ba ako magpadala ng oversized box? A. Tumatnggap po kami ng nakakakahong malaki pa sa aming regular box. May karagdagang bayad ito base sa kabuuang sukat ng inyong kahon. CONTACT US para sa detalye.
Q. Meron bang weight limit? A. Dahil sa ang SAGAWA ang magpi-PICK UP ay kaya limitado sa 50kgs. lamang. Ngunit maaari rin ninyong dalhin direkta sa aming warehouse ang inyong box. Kung kayo ay nasa Kanagawa, Saitama, Tokyo o iba pang lugar na nasa KANTO Area ay direkta na ito ay aming mapi-PICK UP by schedule.CONTACT US para sa detalye.
Q. Maaari ba akong magpadala ng gamit mula Pilipinas? A. Hindi po.